^

Probinsiya

Chinese hulog sa ginagawang gusali, patay!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Lasog ang isang Chinese national matapos na mahulog sa isang ginagawang gusali nang mawalan ng balanse habang may inaayos sa San Pascual, Batangas, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang dayuhang biktima na si Xiaolong Zhang, 48-anyos, isang steel structure specialist na agad nasawi nang lumagapak sa lupa mula sa itinatayong construction building.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa bisinidad ng Time Ceramics Philippines Inc.

Ayon sa saksing si Lander Flores Mahusay, nasa taas umano ng ginagawang gusali ang biktima na walang suot na safety harness at abalang hinihilera ang mga metal furring nang biglang mawalan ng ba­lanse hanggang sa tuluy-tuloy na bumagsak sa lupa mula sa gusali na tinatayang may 7-metro ang taas. 

Ang ulo ng biktima ay tumama sa pavement na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with