^

Probinsiya

Obrero, dedo sa magnanakaw ng manok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Obrero, dedo sa magnanakaw ng manok
Dead on arrival sa Cabading District Hospital ang biktimang si Darwin Vilayro, 20, ng Sitio Old Boso-boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, dahil sa tama ng saksak sa dibdib habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang hindi pa kilalang suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang obrero ang nasawi nang saksakin sa dibdib ng isang lalaki na hinabol niya nang maaktuhang tinatangkang nakawin ang kanyang manok na panabong sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Dead on arrival sa Cabading District Hospital ang biktimang si Darwin Vilayro, 20, ng Sitio Old Boso-boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, dahil sa tama ng saksak sa dibdib habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang hindi pa kilalang suspek.

Sa ulat ng Antipolo City Police,bago nangyari ang krimen,alas-3:00 ng madaling araw sa Sitio Old Boso Boso ay naaktuhan ng biktima ang suspek habang tinatangkang nakawin ang kanyang manok na panabong.

Mabilis umanong nagtatakbo ang suspek upang tumakas ngunit hinabol ito ng biktima at nang maabutan at mahuli ay bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib bago mabilis na tumakas.

Nakita naman ng tiyuhin ng biktima ang pangyayari at kaagad siyang isinugod sa pagamutan ngunit nasawi rin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with