^

Probinsiya

Motor tanker lumubog sa Bataan; 16 tripulante nailigtas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang motor tanker na may kargang mga langis ang lumubog habang 16 tripulante ang nailigtas at 1 ang naiulat na nawawala kahapon ng madaling araw sa Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsasagawa na sila ng search, rescue at oil spill response operations sa lugar.

Batay sa ulat, sangkot sa insidente ang MT Terra Nova isang motor kung saan sakay ang nasa 17 crew.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng pag-ulan sa layong 3.6 nautical miles silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay bandang 1:10 ng umaga.

Agad na nasagip ng BRP Melchora Aquino ang 16 na tripulante na binigyan ng medical attention.

Ang MT Terra Nova, na patungo sana sa Ilo­ilo, ay may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel nang maganap ang insidente.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with