^

Probinsiya

Magsasaka nakuryente habang sakay ng kalabaw, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines — Nangisay at patay na nahulog sa sinasakyang kalabaw ang isang 56-anyos na magsasaka matapos sumabit ang katawan sa kable ng kuryente sa Brgy.Union, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang dalhin ng kanyang anak sa Tinambac Infirmary Hospital ang walang malay na biktima na kinilalang si Leonardo Martinez Azaña, residente ng Zone-4, Brgy. San Roque, pero idi­neklara itong patay na.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon mula sa Brgy.Union sakay sa kanyang kalabaw ay pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay nang aksidenteng sumabit ito sa kawad ng kuryente at nakurynte.

Mabilis naman itong sinaklolohan ng anak at isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with