^

Probinsiya

Dalagitang anak, pinatay ng sariling ama

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang ama na walang awang pagsasaksakin at mapatay ang dalagitang anak sa Barangay Carig Norte sa lungsod na ito.

Ang biktima na itinago sa pangalan na Ana,16-anyos, Grade 11 student habang ang suspek na ama nito ay nakilalang si Jude,kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, galit na dumating ang suspek sa bahay mula sa trabaho at hinanap ang anak na agad nitong sinakal.

Agad namang sumaklolo ang mga kapitbahay at kamag-anak nang marinig ang sigaw ng biktima at naabutan na lamang ang duguan na biktima na sinasakal pa umano ng suspek.

Napag-alaman na nagtamo ng saksak sa kanyang dibdib at iba pang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Blangko ngayon ang pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa anak kung kaya’t patuloy ang kanilang pagtugis matapos itong mabilis na tumakas.

Nanawagan naman ang lolo ng biktima sa pamamagitan ng Facebook live ni Mayor Myla Ting-Que na sumuko na ang suspek sa pulisya para panagutan ang krimen na ginawa sa anak.Ayon kay Que, ang ina ng biktima ay nasa ibang bansa.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with