Habang magkasiping sa motel..Misis, lover huli ni mister sa Araw ng mga Puso!
MANILA, Philippines — Halos gumuho ang mundo ng isang mister makaraang mahuling hubo’t hubad na magkasiping sa motel ang misis nito at kanyang lover sa mismong Araw ng mga Puso sa lungsod ng Cotabato.
Sa inisyal na ulat ng Cotabato City Police, ang ginang na itinago sa pangalang Karla, 22-anyos ay nakipagtagpo umano sa kalaguyo nito na isang 18-taong gulang na lalaki na itinago sa pangalang “Marlon” na taga South Upi, Maguindanao del Sur upang magdiwang ng Valentine’s day sa kanilang kataksilan.
Nabatid na naghihinala na ang mister na si alyas “Marlon” sa kanyang misis dahil sa mga naririnig nitong tsismis na nanlalalaki umano ang asawa kung kaya lihim nitong tiniktikan. Lingid sa kaalaman ng babae, binasa ni mister ang mensahe sa cellphone nito na nagsasaad na makikipagkita ang una sa kanyang kalaguyo sa isang motel sa Cotabato City.
Dahil dito, pinigil ng nasabing mister ang kaniyang galit at sinundan ang kaniyang misis. Dito’y kitang-kita niya habang papasok sa motel ang misis at kalaguyo nito at panay ang lambutsingan ng dalawa. Dito, humingi na siya ng tulong sa pulisya kaya dito na nila naaktuhan ang magkalaguyo na kapwa hubo’t hubad at magkasiping sa kama kung kaya kapwa inaresto.
Samantala, labis ding ikinagalit ng mister na isinama pa ng misis ang kanilang anak sa motel na pinatulog nito sa kabilang kuwarto habang nakikipagtalik sa kaniyang kalaguyo.
- Latest