^

Probinsiya

Hardware pinasok, 2 Chinese, pinagbabaril

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang Chinese national na isang babae at lalaki makaraang pagbabarilin sila sa loob ng kanilang hardware, kamakalawa sa Gov. Ferrer Drive, Brgy. Pasong Kawayan 1, Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Cai Nai Chao, 51; at Li Jin Shu, 66, kapwa Chinese national at residente ng Silver Star Hardware, Brgy. Pasong Kawayan 1,Gen. Trias City, Cavite.

Kasalukuyang tinutugis ang suspek na tinatayang may taas na 5’6, nakaitim na face mask, nakasuot ng puting t-shirt, itim na sumbrero at armado ng maiksing baril.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng madaling araw nang pasukin ng armadong suspek ang tindahan ng mga biktima at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Humingi ng tulong ang bayaw ng mga biktima at naitakbo sa Gentri Medical Hospital ang mga ito na sa kasalukuyan ay inoobserbahan.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with