^

Probinsiya

NPA arms cache sa Batangas, natunton ng militar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NPA arms cache sa Batangas, natunton ng militar
Sinabi ni Lt. Col. Hector Estolas, Spokesperson ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), ang sari-saring mga armas at bala gayundin ang mga sangkap sa paggawa ng bomba ay nadiskubre ng tropa ng mga sundalo sa ilalim ng Army’s 59th Infantry ‘Protector’ Battalion (IB) sa Focused Military Operations (FMO) ka­makailan sa Brgy. Pooc, Balayan ng lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng militar kasunod naman ng pagkakatunton sa narekober na armas cache ng mga rebeldeng New People’s Army sa Balayan, Batangas, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Hector Estolas, Spokesperson ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), ang sari-saring mga armas at bala gayundin ang mga sangkap sa paggawa ng bomba ay nadiskubre ng tropa ng mga sundalo sa ilalim ng Army’s 59th Infantry ‘Protector’ Battalion (IB) sa Focused Military Operations (FMO) ka­makailan sa Brgy. Pooc, Balayan ng lalawigan.

Ang nadiskubreng arms cache ng mga rebelde ay naglalaman ng isang M16 rifle, isang garand rifle na di kumpleto ang piyesta, dalawang cal. 22 rifles, 3 piraso ng 12 gauge shotguns, 166 piraso ng bala ng cartridges.

Gayundin ang tatlong rounds ng rifle grenades, 60 piraso ng AK 47 magazines at tinatayang nasa 1,000 detonating cord na gamit sa paggawa ng eksplosibo.

Inihayag ni Army’s 2nd Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Roberto Capulong na importante ang pagkakarekober sa nasabing arms cache upang masupil ang paglulunsad ng ‘terror attacks’ ng komunistang grupo.

Nagpapatuloy naman ang pinaigting na opensiba ng tropa ng pamahalaan laban sa nalalabi pang puwersa ng mga rebeldeng komunista.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with