^

Probinsiya

P9.7 bilyong droga nakumpiska, libong ‘tulak’ naaresto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P9.7 bilyong droga nakumpiska, libong �tulak� naaresto
Sa report ng Calabarzon Police Director P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang P9.7 bilyong illegal na droga ay nakumpsika habang  nasa 1,051 drug personalities ang nasakote mula Abril 1 hanggang 30 ng taong ito sa mahigit 800 anti-drug operation na isinagawa ng mga operatiba ng pulisya sa rehiyon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Sa 1-buwang police operasyon sa Calabarzon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa P9.7 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam habang mahigit sa 1,000 drug personalities ang nasakote sa loob ng isang buwang operasyon ng pulisya sa Calabarzon (Calamba, Laguna, Batangas , Rizal at Quezon).

Sa report ng Calabarzon Police Director P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang P9.7 bilyong illegal na droga ay nakumpsika habang  nasa 1,051 drug personalities ang nasakote mula Abril 1 hanggang 30 ng taong ito sa mahigit 800 anti-drug operation na isinagawa ng mga operatiba ng pulisya sa rehiyon.

Ayon kay Lucas, naitala na umaabot sa 1.427 toneladang shabu at 2,764 gramo ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P9,705,944,460 ang nasamsam sa mga serye ng operasyon.

Nangunguna sa may pinakamalaking nakum­piskang droga ang mga operatiba ng Batangas Police matapos maharang ang isang van na naglalaman ng 1.4 toneladang shabu na na nasa P9.68 bil­yon sa checkpoint Alitagtag, Batangas noong Abril 15.

Sinabi ni Lucas na pa­tuloy na iniimbestigahan ng Batangas Police ang sindikatong nasa likod ng importasyon ng nakum­piskang 1.4 toneladang shabu.

Samantala, nakahuli rin ang pulisya ng 1,758 illegal gamblers habang nasa P521,438 bet money ang nakumpiska.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with