^

Probinsiya

Warehouse hinoldap ng 3 armado: P.3 milyong cash, gadgets kinulimbat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nasa mahigit P300,000 pera at mga cellphone ang natangay ng ‘di bababa sa tatlong armadong holdaper makaraang pasukin at holdapin ang isang warehouse kamakalawa sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Imus City.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang warehouse ng Optimize Customer Solutions Inc. na matatagpuan sa Brgy. Anabu 1, ng nasabing lungsod.

Pagpasok ng mga suspek sa nasabing bodega ay dinisarmahan agad nila ang dalawang naka-duty na security guards na sina alyas “Allan” at alyas “Cesar”.

Mabilis na kinuha ng mga suspek sa dalawang guwardya ang kanilang shotgun at cal. 38 revolver.

Kasunod nito, nilimas ng mga suspek ang laman ng kaha at kinuha ang cash money na aabot sa halagang P115,000.00 at ang 22 units ng mga android cellphones na may halagang P183,200 bago mabilis na nagsitakas.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with