^

Probinsiya

15-anyos ‘nanny’, ginahasa ng amo!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang 15-anyos na “nanny” kasama ang kanyang ina upang ireklamo ang kanyang among lalaki dahil sa umano’y panggagahasa sa kanya, kamakalawa sa Brgy. Ibanang Dupay, Lucena City.

Kasong paglabag sa RA 8353 o “Anti-Rape Law of 1997” ang isinampang reklamo ng mag-inang biktima laban sa suspek na kinilala lang sa alyas “Russel”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Julia” sa pulisya, noong Abril 23 ng taong kasalukuyan nang maganap umano ang panggagahasa sa kanya ng among lalaki.

Dakong alas-10:30 ng gabi umano nangyari ang pang-aabuso sa menor-de-edad sa bahay ng amo sa Purok  San Lorenzo Subdivision ng nasabing barangay kung saan ang biktima ang siyang nag-aalaga sa batang anak ng suspek.

Tinawag umano ng suspek ang biktima at pinaakyat ito sa 3rd floor ng bahay at inutusan na kunin nito ang unan at gatas ng bata na kanyang inaalagaan.

Kasunod nito, kinausap umano ng suspek ang biktima at pinangakuan na pag-aaralin umano ito at bibigyan ng perang kanyang kakailanganin.

Dito na sinimulang hawakan ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan ng dalagita hanggang sa hubaran na umano siya at isagawa ang panghahalay.

Hindi umano agad nakapagsumbong ang biktima sa kanyang pamilya dahil sa takot. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with