^

Probinsiya

Clan war: Konsehal, 5 kaanak sugatan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Anim na lalaking Yakan kabilang ang isang konsehal ng bayan ang sugatan nang tambangan ng isang grupo dahil sa sinasabinng clan war sa Sitio Lessem sa Barangay Bato-Bato sa Akbar, Basilan nitong umaga ng Sabado.

Sa mga hiwalay na ulat ng Akbar Municipal Police Station at ng Basilan Provincial Police Office (PPO), naglalakad sina Husin Latip Kalang, municipal councilor ng Tuburan at mga kaanak na sina Ryan Latip, Abubakar Latip, Jemar Kalang,Ajim Jamaluddin at Nasser Algafar patungo sa isang lugar nang pagbabarilin ng mga kalalakihang armado ng M16 assault rifles na nakaabang sa gilid ng daan sa isang lugar sa Sitio Lessem.

Bagama’t mga sugatan na, nagawa naman makaganti ng putok ang mga biktima kaya mabilis na tumakas ang mga suspek na namaril sa kanila na pinamumunuan diumano ng mga kapwa  Yakan na sina alyas Jemar at Kidyok.

Ang mga biktima ay unang isinugod sa Lamitan District Hospital sa Basilan pero inilipat din sa isang hospital sa Zamboanga City para malapatan ng lunas.

Sa inisyal na ulat ng Basilan PPO sa tanggapan ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, galit ang grupo nina Jemar at Kidyok sa mga biktima dahil sa ginawa umanong pagdukot sa isa nilang kamag-anak na si Jimmy Nani, na hindi pa natatagpuan hanggang sa kasalukuyan.

Napatay ng mga armado nito lang Martes ang isang kamag-anak ng anim na inambus na biktima na si Nurjan Latip, at duda ang mga residente ng Akbar na ang insidente ay may kinalaman sa pagdukot at pagkawala ni Nani na ibini­bintang sa kanila.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with