^

Probinsiya

P1 bilyong specialty hospital sa Bicol ininspeksyon ni Romualdez

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Personal na ininspeksyon ni House Speaker Martin Romualdez kamakalawa ng hapon ang itinatayong 20-palapag na specialty hospital ng Bicol Regional Hospital and Medical Hospital (BRHMC) sa bayang ito na hindi lang magiging pinakamalaki kundi pinakamodernong pagamutan sa Bicol Region at Southern Luzon.

Ang gusali ng specialty hospital ay pinondohan ni Ako Bicol Partylist Cong. Elizaldy Co, chairman ng House committee on bud­get and appropriations, ng inisyal na isang P1-bilyon  at target na dagdagan pa ang budget upang gawin itong 20-palapag na magiging pinakamataas na gusali sa Kabikolan.

Sinalubong si Romualdez ni BRHMC director Dr. Eric Raburar, at inilibot sa construction site. Dito umano ilalagay ang mga pagamutan sa cancer, kidney, liver at heart center ng Bicol para hindi na kailangang magpunta pa sa Metro Manila ang mga pas­yente upang magpagamot. Kukumpletuhin umano ito ng mga makabagong gamit at mga dalubhasang doktor.

Kaugnay nito, inihahanda na rin nina Co, Rep. Raul Angelo Bongalon at 2nd district Rep. Joey Salceda ang panukalang batas na i-convert ang BRHMC bilang “Southern Luzon Medical Center” dahil hindi lang mga Bicolano ang tatanggapin dito kundi pati na ang mga pasyente mula sa katagalugan at maging ng Visayas Region.

Natuwa naman si Romualdez sa proyekto dahil ang kalusugan ay isa sa prayoridad na prog­rama ng Kongreso at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

vuukle comment

MEDICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with