^

Probinsiya

Barangay treasurer, 2-anyos anak utas sa ambush!

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Barangay treasurer, 2-anyos anak utas sa ambush!
Tadtad ng tama ng bala ang unahan at likurang bahagi ng sasakyan ng barangay treasurer na si Mhads Mamantal at anak niyang si Norlyn na kap­wa napatay sa ambush sa Cotabato City noong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang barangay treasurer at kanyang 2-taong gulang na anak na babae habang sugatan ang isa pa nilang kamag-anak nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Rosary Heights 7, dito sa lungsod nitong Biyernes ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa hindi kala­yuang Cotabato Regional Medical Center ang mga biktima na sina Mhads Mamantal, isang Moro Maguindanaon, at ang anak na si Norlyn, matapos silang isinugod ng mga emergency respon­ders upang malapatan sana ng lunas.

Sa pahayag nitong Sabado ni Col. Querubin Manalang, Jr., Cotabato City police director, sakay ng isang puting minivan ang mag-ama, galing sa isang bangko at may dalang P1.4 million na cash, nang sila ay tambangan at pagbabarilin pagsapit sa may Oblate Drive sa Barangay Rosary Heights 7 ng mga salarin na mabilis na nagsitakas sakay ng mga motorsiklo.

Sugatan naman sa naturang ambush si Saddam Mamantal, malapit na kamag-anak ng napaslang na barangay treasurer ng Barangay Mother Bagua, dito sa lungsod.

Naniniwala si Mana­lang at mga imbestigador ng Cotabato City Police Office na ­tanging ang napaslang na barangay treasurer ang target ng mga mga suspek dahil hindi naman nila tinangay ang P1.4 milyon na halaga ng pondo ng barangay go­vernment na nasa loob ng sasakyan nito.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with