^

Probinsiya

P3.3 milyong shabu samsam sa drug operation sa Quezon province, 6 timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
P3.3 milyong shabu samsam sa drug operation sa Quezon province, 6 timbog
Sa patuloy na pagpapatupad ng batas, matagumpay na nahuli ng mga operatiba ng Quezon ang anim na illegal drug suspects sa limang magkakahiwalay na buy- bust operations.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Arestado ang tatlong High Value Individuals (HVI) at tatlong Street Level Individuals (SLIs) sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Quezon Police kamakalawa sa nasabing lalawigan.

Sa patuloy na pagpapatupad ng batas, matagumpay na nahuli ng mga operatiba ng Quezon ang anim na illegal drug suspects sa limang magkakahiwalay na buy- bust operations.

Ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit kumulang 158.44 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P3,232,176.

Nahuli ang tatlong SLIs na sina alyas “Jayson” sa Lucena City, alyas “Jaymar” mula sa bayan ng Gumaca at alyas “Leonida” sa Candelaria.

Natimbog naman ang tatlong HVIs na sina alyas “Christopher” at alyas “Rustie” sa Candelaria. Samantala, sa Brgy. Sto. Cristo Sariaya, Quezon nasabat kay alyas “Sharly”, babae, 43-taong gulang (HVI) ang 130 gramo ng shabu.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek habang ang mga kumpis­kadong ebidensya ay nasumite na sa Forensic Unit para sa eksaminasyon. 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with