^

Probinsiya

Vise Presidente Sara, dumalaw sa burol ng landslide victims

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Vise Presidente Sara, dumalaw sa burol ng landslide victims
Emergency responders are still searching for missing villagers whose houses in an isolated barangay in Moncayo, Davao de Oro were hit by landslides on Jan. 18, 2024 morning.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Personal na dumalaw si Vice President Sara Duterte sa burol ng mga biktima ng landslide sa Monkayo, Davao de Oro kamakalawa ng hapon.

Nagpaabot din ng pakikiramay at pakikidalamhati si Duterte sa mga naulilang kaanak ng mga biktima.

Matatandaang Huwebes nang maganap ang landslide sa Barangay Mount Diwata sa Monkayo na ikinasawi ng 13 katao.

Kinausap din ni Duterte ang bawat pamilya at tinalakay ang mga nangyari sa trahedya. Naghatid din siya ng mga sako ng bigas at tulong pinansiyal para sa pamilya ng mga biktima.

Apela naman ng mga biktima ng landslide na sana ay mabigyan sila ng bago at ligtas na tahanan ng pamahalaan.

Siniguro rin naman nai VP Duterte na pagkakalooban ng tulong ng pamahalaan ang libu-libong pamilya na nabiktima ng pagbaha at landslides sa buong rehiyon ng Davao.

Pinayuhan din niya ang mga residente na tumalima sa utos ng lokal na pamahalaan para matiyak ang kanilang kaligtasan sa panahon ng sakuna at kalamidad.

vuukle comment

SARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with