^

Probinsiya

2 bahay inararo ng truck: 1 dedo, 2 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Isa ang patay habang dalawa ang nasugatan makaraang araruhin ng isang truck ang dalawang bahay sa gilid ng Quirino Highway sa Barangay San Francisco ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan ay namatay agad sa pinangyarihan ng road crash ang may-ari ng bahay na si Benito Fortillano, 76, biyudo habang ginagamot sa Maria Eleazar General Hospital dahil sa tinamong mga sugat ang pahinanteng si Jovany, 26, binata ng Dingalan, Aurora at may-ari ng isa pang bahay na si Liova Estopedo, 43.

Nasa kustodya na ng pulisya ang tsuper ng trak na si Virjulito Salcedo, 34, may-asawa ng San Mateo, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa Maynila ang Isuzu Forward Aluminum Wing van truck ni Salcedo upang ideliver ang nasa 60 tonelada ng pakwan nang maganap ang insidente.

Habang binabagtas umano ng trak ang highway bandang alas-9:35 ng umaga ay nagkaroon ng sira ang makina nito kung kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at binangga ang bahay sa gilid ng highway na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Fortillano.

Nagtuluy-tuloy pa umanong inararo ng trak ang isa pang bahay na ikinasugat ng isang biktima at ng mismong pahinante.

vuukle comment

SAN FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with