^

Probinsiya

5.1 magnitude na lindol, tumama sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CLAVERIA, Masbate, Philippines — Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang bayan ng Claveria, Masbate na naramdaman pa sa ilang mga lalawigan sa Kabikolan alas-8:28 kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Phi­lippine Volcanology and Seismology natukoy ang epi center ng lindol, tectonic in origin na may lalim na 10-kilometro sa distansya namang 28-kilometro sa southwest ng Claveria. 

Sinabi ni Karren Garcia ng Phivolcs, ayon sa kanilang mga aparatus ay naramdaman din ang Intensity 3 sa Legazpi City, Intensity 2 sa Tabaco City sa Albay; Intensity 2 sa Masbate City at Milagros sa lalawigan ng Masbate; habang naram­daman naman ang Intensity 1 sa mga bayan ng Tinambac at Ragay kasama na ang Iriga City, lahat sa Camarines Sur; Batuan, Masbate; Gumaca at Mulanay sa lalawigan ng Quezon; at Bulusan, Sorsogon.

Wala namang nai-­ulat na danyos gayunman nagbabala ang Phivolcs sa mga resi­dente ng posibleng maliliit na aftershocks.

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with