^

Probinsiya

Bangkay ng dalagita, isinilid sa maleta!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang babaeng menor-de-edad na iniulat na nawawala habang nakasilid sa isang maleta na palutang-lutang sa ilog sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na isang Shiela May Dela Cruz, 16-anyos, na huling nakitang nakasuot ng grey shirt at maong shorts at mag-iisang linggo nang nawawala.

Ayon sa report ng SJDM Police, natuklasan ang palutang-lutang na bangkay bandang alas-6:30 ng gabi nitong February 13 sa Sapang Alat River, ­Pleasant View Residences, Brgy. Graceville.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng pulisya na may nakakasulasok na amoy mula sa isang maleta sa naturang ilog kaya agad silang rumesponde sa nasabing lugar.

Nang buksan ng mga awtoridad ang maleta ay tumambad sa kanila ang namamagang bangkay na umano’y may marka ng mga sugat at may butas sa leeg, ayon na rin sa kaanak.

Sinasabing nagpaalam ang biktima sa kanyang pamilya nitong gabi ng February 7, 2025 na pupunta lang sa kanyang kaibigan na nagpapasundo sa kanya dahil binubugbog umano ng asawa.

Simula nang umalis sa bahay ay hindi na makontak ang biktima hanggang sa nakita na lamang ang kanyang bangkay sa loob ng maleta na palutang-lutang sa naturang ilog.

Sinasabing may mga “person of interests” na ang pulisya sa naturang karumal-dumal na krimen.

SJDM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with