^

Probinsiya

Bus vs Truck: 16 sugatan

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Labing-anim katao ang iniulat na nasu­gatan matapos magsal­pukan ang aircon bus at kasalubong na cargo truck sa kahabaan ng national road sa Barangay Malapat, Cordon, Isabela kama­ka­lawa ng umaga.

Ayon sa ulat, naitala ang aksidente dakong alas-7 ng umaga matapos mag-overtake sa kurbadang bahagi ng kalsada ang Victory Liner Bus na may body number 1623 na naging dahilan upang su­malpok sa kasalu­bong na cargo truck na may plakang RDE 896.

Kinilala ni P/Chief Inspector Calayan, hepe ng Cordon PNP ang ilan sa mga sugatan na sakay ng bus na sina Nerissa Parungao, officer ng LBP Santiago City; Jimmy De Liborio, election officer ng Al­fonso, Cas­tañeda, Nueva Viz­caya; mag-asawang Alfredo at Wilma Flores ng Echague, Isabela; Ramon Hibun, technical team ng ABS-CBN, Que­zon City at si Gervin Mendoza ng Calumpang, Marikina.

Maliban sa labing-apat na pasahero ng bus ay su­gatan din ang driver ng car­go truck na si Carlos Acierto at truck helper na si Johnny Taguinod na kabi­lang na isinugod sa De Vera Medical Center sa Santiago City.

Bumaliktad at sumadsad sa bukid ang bus habang ang cargo truck na pag-aari ni Juanito Tio ng Valiant Rice Mill sa Cabanatuan ay na­wasak ang harapan at tu­mapon ang mga kaban ng bigas na dadalhin sana sa Metro Manila.

Mabilis namang tumakas ang drayber ng bus na si Garry Lumipig ng Tabuk, Kalinga matapos ang aksi­dente.

vuukle comment

BARANGAY MALAPAT

CARLOS ACIERTO

CHIEF INSPECTOR CALAYAN

DE VERA MEDICAL CENTER

GARRY LUMIPIG

GERVIN MENDOZA

ISABELA

JIMMY DE LIBORIO

SANTIAGO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with