20-anyos nursing student ni-rape slay
MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang hitsura ng iang 20-anyos na babaeng nursing student na hinihinalang hinalay saka pinaslang nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sapul,Calapan City, Oriental Mindoro nitong Sabado.
Sa report ni Oriental Mindoro Provincial Police Director P/Col. Efraim Camara dakong ala-1:15 ng madaling araw ng madiskubre ang bangkay ng biktima sa madilim na bahagi ng Brgy. Road, sa nasabing lugar.
Kinilala naman ang biktima sa pangalang “Maru”, residente ng Brgy. Labonan, Bongabong, Oriental Mindoro at isang 3rd year nursing student sa St. Anthony College sa lungsod.
Ang biktima ay may tama ng saksak sa dibdib at nakababa ang panty na isang indikasyong hinalay ito pero kailangan pa aniya ng resulta ng pagsusuri ng kanilang forensic team bago ito ganap na ideklara.
Posible umanong inabangan ng suspect ang biktima dahilan madilim sa lugar kung saan ito naglalakad patungo sa kanilang tinutuluyan.
Umapela naman ang nagluluksang pamilya ng biktima na resolbahin ang krimen, arestuhin at parusahan ang salarin na nasa likod ng pamamaslang sa biktima.
Kinondena rin ng St. Anthony College ang brutal na sinapit ng biktima na nanawagan ng hustisya sa nasabing nursing student.
Isinasailalim na ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito habang nirerebyu na rin ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang nasa likod ng krimen.
- Latest

















