^

Probinsiya

40 ‘wanted’ sa Quezon nalambat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines - Nasa 40 na wanted sa batas ang matagumpay na naaresto ng Que­zon Police Provincial Office (QPPO) sa magkakahiwalay na operasyon, kamakalawa.

Ayon kay QPPO Director PCol.Romulo Albacea, naaresto ng mga operatiba ng Lucena CCPS, katuwang ang 405th RMFB4A, RIU 4A PIT Quezon at 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), ang isang 35-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Drake”, Rank No. 5 Regional-Level Most Wanted Person sa Lucena City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court (RTC), Branch 60, Lucena City.

Naaresto naman ng mga tauhan ng San Narciso MPS ang 36-anyos na si alyas “Eddie”, isang Regional-Level Most Wanted Person, at isa pang lalaki sa Barangay Villa Aurin, San Narciso, Que­zon, sa kasong murder sa bids ng arrest warrant na inilabas ng RTC Branch 96, Catanauan, Quezon,

Samantala, naaresto ng Pagbilao MPS ang 31-anyos na si alyas “Reynan”, Rank No. 6 Regional-Level Most Wanted Person, dakong alas-3:45 ng hapon sa Cavite Street, Gagalangin, Tondo, Manila sa kasong Murder sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 58, Lucena City.

Sa Provincial Level category, nakapagtala ang Candelaria MPS at Infanta MPS ng tig-dalawang pag-aresto, habang tig-iisa naman ang Buenavista MPS, Jomalig MPS, Lopez MPS, Lucena CCPS at Perez MPS.

Para naman sa Municipal Level wanted persons, tig-iisang pag-aresto ang naitala ng Padre Burgos MPS at Sariaya MPS.

Samantala, sa Other Wanted Persons (OWP), nakapagtala ang Unisan MPS at Lucena CCPS ng tig-tatlong pag-aresto; Pitogo MPS at 2nd QPMFC ng tig-dalawa; at tig-iisa naman ang Dolores MPS, Guina­yangan MPS, Gumaca MPS, Lopez MPS, Lucban MPS, Mauban MPS, Padre Burgos MPS, Pagbilao MPS, Polillo MPS, Real MPS at Tagkawayan MPS.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with