^

Probinsiya

Isabela, nakaalerto sa ‘Super El Niño’

Artemio A.Dumlao - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Nakaalerto na ang lalawigan ng Isabela sa nagbabantang Super El Niño na inaasahang magdudulot ng matin­ding init at matagalang tagtuyot mula ngayong Nobyembre 2026 hanggang Abril 2027.

Kinatawan ni Vice Gov. Kiko Dy si Gov. Rodito Albano sa ginanap na pulong sa Malacañang na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph G. Recto upang pag-ugnayin ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa epekto ng nasabing kalamidad.

Bilang isa sa pangunahing pinagkukunan ng produktong agrikultural sa bansa, nanganganib ang mga pananim, alagang hayop, irigasyon at suplay ng tubig sa Isabela.

Sa ilalim ng programang “One-Isabela Integrated/Coordinated Effort Against El Niño,” pinabibilis ng pamahalaang panlalawigan ang pagtatayo at pagsasa­ayos ng mga imbakan ng tubig at irigasyon, pakikipagkasundo sa paggamit ng tubig mula sa Magat Dam at pamamahagi ng mga binhing matibay sa tagtuyot.

Magpapatupad rin ng crop diversification, cloud seeding, pagbabakuna at pagpupurga sa mga alagang hayop, gayundin ang pamamahagi ng animal feeds upang maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.

Palalakasin din ang programang “Libreng Tubig sa Tagtuyot” at “Doktor ni Isabela Kontra Tag-init” sa pamamagitan ng libreng tubig, serbisyong medikal, pamamahagi ng gamot at pagsubay­bay sa nutrisyon ng mga residente.

Naghahanda rin ang lalawigan ng food packs, cash-for-work sa ilalim ng Project LAWA at BINHI, at pagsasanay pangkabuhayan sa tulong ng TESDA upang masuportahan ang mga pamilyang maaapektuhan ng tagtuyot. Kabilang din sa mga hakbang ang rehabilitasyon ng watershed, pagbabantay sa sunog sa kagubatan, pangangalaga sa mga bakawan at pagpapalakas ng early warning systems.

Ayon kay Dy, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan sa pambansang pamahalaan at mga kinauukulang ahensiya upang matiyak ang maagap na paghahatid ng tulong sa mga nanga­ngailangang komunidad.

RODITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with