^

Probinsiya

Bata ni Bro. Eli itinumba

-

BULACAN – Karit ni kama­tayan ang sumalubong sa da­ting ministro ng Iglesia Ni Cristo at ngayon ay program host ng “Ang Da­ting Daan” (ADD) makaraang tambangan ng mga ‘di-pa kila­lang kalala­kihan sa toll gate ng San Simon, Pampanga kaha­pon ng umaga.

Anim na tama ng bala ng  .38 cal. ang tumapos sa buhay ni Marcos Balais Ma­taro, 40, host ng programang  X-Man UNTV Channel 37 at nakatira sa ADD compound sa Ba­rangay Sampaloc, Apalit Pam­panga.

Ayon sa hepe ng pulisya sa San Simon na si P/Senior Insp. Francisco Cortez, si Mataro ay may kasong attempted homicide sa Apalit Municipal Trial Court at Quezon City Regional Trial at nagpiyansa para maka­laya.

Sa inisyal  na ulat ng pu­lis­ya, naitala ang pananam­bang dakong alas-10:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Napag-alamang nag-a­abang ng pampasaherong bus patungong Maynila ang biktima nang lapitan at rat­ratin ng dalawang ‘di-pa kila­lang lalaki na sakay ng motor­siklong Ya­maha (DY 4524).

Narekober naman ng pu­lisya ang motorsiklong gina­mit ng gunmen matapos aban­donahin sa nasabing lugar.

Si Mataro na dating INC minister ay nagtapos ng  Evangelical Ministry sa New Era University sa Quezon City, Metro Manila.

Nabatid na si Mataro na kung tawagin ay “Bro. Mar­cos” ay miyembro na ng ADD at pinaniniwalaang isa sa mga nagsiwalat ng mga umano’y katiwaliang naga­ga­nap sa INC.

Sinisilip ng mga imbes­tigador kung may kinalaman sa krimen ang kinakaharap na kasong isinampa laban sa biktima.

ANG DA

APALIT MUNICIPAL TRIAL COURT

APALIT PAM

EVANGELICAL MINISTRY

SAN SIMON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with