^

Probinsiya

Granada ikinabit sa manibela, pulis nasabugan

-
AMADEO, Cavite Grabe ang kalagayan sa pagamutan ng isang pulis matapos masabugan ng granada na ikinabit sa manibela ng kanyang kotse kahapon ng umaga sa Brgy. Halang ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si SPO1 Edgar Leachon, 42, na nakadestino sa Mobile Patrol Group.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Zaldy Salazar, dakong alas-7:30 ng umaga ay nililinis ng biktima ang kanyang Mitsubishi Gallant (NJC-445) nang mapansin nito ang isang plastic na nakatali sa kanyang manibela.

Agad niya itong tinanggal sa pagkakatali, subalit agad itong sumambulat.

Ang biktima ay dinala sa Gateway Business Hospital habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang suspek na nagtanim ng granada sa kotse. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA G

EDGAR LEACHON

GATEWAY BUSINESS HOSPITAL

GRABE

HALANG

MITSUBISHI GALLANT

MOBILE PATROL GROUP

ZALDY SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with