39 ligtas sa sumadsad na eroplano
June 13, 2002 | 12:00am
Himalang nakaligtas ang tatlumput siyam na pasahero at crew ng eroplanong Asian Spirit makaraang mag-emergency landing at sumadsad sa damuhan dahil sa pagsabog ng kanang gulong malapit sa paliparan ng Caticlan, Aklan kahapon ng umaga.
Sinabi ni Gen. Adelberto Yap, hepe ng Air Transportation Office (ATO) na maaaring poor maintenance ang naging sanhi ng aksidente ng eroplano na umalis mula sa Manila Domestic Airport dakong alas-7:20 ng umaga na lalapag sana sa naturang paliparan dakong alas-8:20 ng gabi.
Kaagad naman ipinag-utos ni Yap ang masusing pagsusuri sa lahat ng eroplano ng Asian Spirit upang matiyak na hindi na muli pang mangyari ang sakuna. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest