^

PSN Palaro

Flagg bumandera sa Mavericks

Pilipino Star Ngayon
Flagg bumandera sa Mavericks
Pinanood na lang ni Nikola Jokic ng Denver Nuggets ang pagdakdak ni Cooper Flagg ng Dallas Mavericks.

DENVER — Nagkadena si Cooper Flagg ng 24 points, career-high 12 assists at anim na rebounds para banderahan ang Dallas Mavericks sa 120-101 paggupo sa Nuggets at pamunuan ang kanilang NBA Cup group.

Ito ang ika-11 pagkaka­taon na nagposte si Flagg ng 20-point double-double.

Maaari nang makakuha ng tiket ang Dallas (11-7) sa knockout round kung matatalo ang Phoenix Suns sa Houston Rockets.

Bago ang laro ay parehong may 2-0 record ang Mavericks at Nuggets (10-6) sa West Group A play.

Hindi pa nakakalampas ang Denver sa group stage ng NBA Cup, ngunit may tsansa pa sila sa wild card spot.

Sa Washington, iniskor ni Jayson Tatum ang 28 sa kanyang 41 points sa first half at tinapos ng Boston Celtics (12-6) ang kanilang four-game losing slump sa pamamagitan ng 131-116 panalo sa Wizards (7-12).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with