^

Probinsiya

12-anyos hinalay, pinatay sa sakal!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
12-anyos hinalay, pinatay sa sakal!
Sa ulat ni Bacolod City Police Officer-in-Charge P/Capt. Francis Depasucat, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng batang babae na walang saplot sa katawan ng isang residente na napadaan sa nasabing lugar.
STAR / File

Trike driver umamin, arestado

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 12- anyos na batang babae makaraang gahasain at patayin sa sakal ng umano’y driver ng tricycle na kanyang nasakyan sa Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Bacolod City Police Officer-in-Charge P/Capt. Francis Depasucat, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng batang babae na walang saplot sa katawan ng isang residente na napadaan sa nasabing lugar.

Agad namang nag­responde ang Bacolod City Polic at iprinoseso ang crime scene sa madamong bahagi ng Purok Saturn Venus, Brgy. Singcang-Airport na kinatagpuan ng bangkay ng batang babae.

Narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang shorts at bestida ng biktima.

Base sa imbestigas­yon, ang biktima ay iniulat na nawawala simula pa noong Miyerkules, Nobyembre 25, at huli siyang nakitang sumakay sa isang tricycle na minamaneho ng suspect na kinilala sa alyas na “Herbert”.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang nasabing tricycle driver na dinala sa himpilan ng pulisya at sa interogasyon ay inamin umano nito ang krimen.

Ayon naman sa kapitbahay ng suspect, inamin umano ng huli na pinatay niya sa sakal ang bata matapos nitong gawan ng kahalayan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with