^

Probinsiya

Van salpok sa puno: 2 todas, 8 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Van salpok sa puno: 2 todas, 8 sugatan
Tulung-tulong ang mga emergency responders sa pagkuha ng mga pasaherong naipit sa nasawak na van na sumalpok sa puno ng acacia sa highway ng Brgy. Saravia, Koronadal City kamakalawa ng gabi. Dawala sa mga pasahero ang agad nasawi sa insidente habang walo pa ang malubhang sugatan kabilang ang driver ng van.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawa katao ang patay habang walo pa ang malubhang sugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang passenger van sa malaking puno ng acacia highway ng Purok Maharlika sa Barangay Saravia, Koronadal City, South Cotabato nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay rescuer-nurse Rolly Aquino, hepe ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, dalawang pasahero ng van ang agad nasawi sa trahedya na kinilalang sina Sheila Mae Aliman, 36, at kaanak na si Meriam Samama Aliman, 65, sanhi ng matin­ding mga pinsala sa katawan dulot ng aksidente.

Ang bangkay ng dala­wa ay agad itinurn­over sa kanilang pamilya para sa agarang pagpapalibing na ayon sa kanilang Islamic tradition ay dapat mailibing sa loob ng 24 oras.

Nasa walong pasahero naman ang nasugatan sa insidente kabilang ang driver ng van na nagtamo ng bali at mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sila ay mabilis na isinugod ng mga emergency responders mula sa tanggapan ni Aquino at mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Koronadal City, sa South Cotababato Provincial Hospital para malapatan ng lunas.

Sa magkahiwalay na pahayag ng mga barangay officials ng Saravia at imbestigador ng Koronadal City Police Station, lumalabas na mabilis ang takbo ng pampasaherong van na may sakay na 10 katao sa isang bahagi ng kalsada nang biglang mawalan umano ng kontrol ang driver nito sa manibela dahil sa hinihinalang pagpalya ng makina, sanhi upang tuluy-tuloy na bumangga ito sa malaking Acacia tree.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, wasak na wasak ang van na halos hindi na mapakikinabangan.

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with