Liaison officer nabagok sa slide ng pool, tepok!

Family party sa resort
MANILA, Philippines — Patay ang isang liaison officer nang mabagok ang ulo sa paggamit ng slide ng swimming pool ng isang resort sa Rodriguez, Rizal nitong Huwebes,
Dead-on-arrival sa H-Vill Hospital ang biktimang si alyas “Mark,” 41-anyos, residente ng Old balara, Quezon City.
Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-7:50 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Tres Marinas Resort sa Barangay San Jose, Rodriguez.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang nagkakasiyahan ang magkakapamilya sa nasabing resort, nagpunta sa swimming pool ang biktima at umakyat sa slide, na sa pagbagsak sa ibaba ng swimming pool ay tumama ang ulo sa sahig.
Nawalan ng malay ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan, pero idineklarang wala nang buhay.
Kusang nagbigay ng notaryadong affidavit ang common-law wife ng biktima, na nagsabing aksidente at walang naganap na foul play, para hindi na magsagawa pa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.
- Latest





















