^

Probinsiya

4 bangkay ng elementary pupil sa landslide narekober

-
Narekober na ng search and rescue team ng pamahalaan ang apat sa labing-isang estudyante sa elementarya na natabunan ng buhay sa pagguho ng malaking bahagi ng dalawang bundok sa naganap na landslide sa Brgy. Tuyangan, Kabugao, Apayao kamakailan.

Sa pagpapatuloy ng operasyon, nahukay na rin kamakalawa dakong alas-5:00 ng hapon ang bangkay ng apat na mag-aaral na nagsisimulang maagnas habang patuloy ang paghahanap sa pito pang bata na pawang natabunan ng gumuhong bundok.

Kinilala ang mga narekober na bangkay na sina Jumar Bruno, Dencio Apalit, Fernando Basang at Delmar Apilit.

Ang apat na bangkay na nagsisimula ng maagnas ay positibong kinilala ng kanilang mga pamilya na may ilang araw na rin nakaantabay sa isinasagawang ‘search and retrieval operations’ sa lugar na pinangyarihan ng malagim na insidente.

Magugunita na 11 elementary pupil ang natabunan ng buhay habang apat pa ang malubhang nasugatan ng gumuho ang dalawang bundok na nakapagitan sa kalsadang pinaglalakaran ng mga biktima habang papauwi ang mga ito sa kanilang tahanan galing sa eskuwela. (Ulat ni Joy Cantos)

APAYAO

BRGY

DELMAR APILIT

DENCIO APALIT

FERNANDO BASANG

JOY CANTOS

JUMAR BRUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with