^

Police Metro

‘No fly zone’ at ‘no sail zone’ sa Traslacion

Mer Layson - Pang-masa
‘No fly zone’ at ‘no sail zone’ sa Traslacion
Personnel from the Department of Public Works and Highways (DPWH) apply asphalt to damaged sections of Quezon Boulevard near the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno on January 4, 2025.
Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Upang masiguro ang maayos, ligtas at mapayapang pagdaraos ng mga aktibidad para sa pista ng Poong Nazareno sa Enero 9 ay paiiralin ng mga otoridad ang ‘no-fly zone’ at ‘no-sail zone’ habang magpapatupad din ng gun ban at liquor ban.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sini­mulan nilang ipatupad ang no-sail policy noong Lunes, Enero 6 hanggang sa Enero 10, Biyernes.

Sinabi naman ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Thomas Ibay na umiiral na rin ang ‘no-fly zone’ sa lugar.

Nangangahulugan aniya itong bawal na ang pagpapalipad ng drones sa mga lugar na daraanan ng Traslacion para sa kaligtasan ng lahat.

Nabatid na ipaiiraI naman ang gun ban si­mula Enero 8 hanggang 11 habang ang liquor ban naman ay inaasahang magiging epektibo rin simula Enero 8 at magtatagal hanggang 10.

Una nang idineklara ng Malacañang na special non-working day ang Enero 9 sa lungsod ng Maynila.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with