2 trabahador todas, 3 kritikal nang makuryente sa pagbaklas ng higanteng Christmas tree
MANILA, Philippines — Dalawang trabahador ang nasawi habang nasa malubhang kalagayan ang tatlong iba pa matapos makuryente habang binabaklas ang display na higanteng Christmas tree sa bayan ng Mabinay, Negros Oriental, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Elnie Endencio at Jonel Tenebroso, habang patuloy na nilalapatan ang tatlong iba pa kabilang ang isang kabataan na opisyal ng barangay mula sa Barangay Arebasore, Dumaguete City.
Ayon kay Police Major Nelson Lamoco, Chief of the Mabinay Police Station, pasado alas-5:00 ng hapon ay gumamit ang limang trabahador ng manlift truck upang lansagin ang higanteng giant Christmas tree nang aksidente silang sumabit sa live electrical wire.
Mabilis na isinugod ang lima sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklarang dead on arrival sina Endencio at Tenebroso.
Ayon kay Lamocos na posibleng nagkaproblema ang electrical system dahil sa ulan na nakadagdag ng panganib sa pagtanggal.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung sumunod ang mga trabahador ng safety protocols at pag-iingat bago magbaklas ng nasabing higanteng Christmas tree.
- Latest