^

Police Metro

Caretaker, niratrat ng tandem, dedo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 54-anyos na lalaking caretaker ang nasawi noon din matapos paulanan ng bala ng riding-in-tandem na isa ay kanyang kapitbahay sa Morong, Rizal, kama­kalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Romelito Del Castillo, ng Sitio Malalim, Brgy. Maybancal, Morong na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang mga suspek na kinilalang sina alyas ‘Roger,’ kapitbahay ng biktima, at isang alyas ‘John.’

Sa ulat ng Morong Municipal Police Station, bago naganap ang krimen, alas-4:20 ng hapon ay nakatayo sa gilid ng kalsada na hindi kalayuan sa bahay ng biktima nang bigla na lang dumating ang mga suspek, na magkaangkas sa isang pulang scooter.

 Kaagad umanong bumaba ng scooter si alyas Roger at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima bago mabilis na tumakas, bitbit ang armas na ginamit sa krimen.

RIDING IN TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with