Ayusin ang lubak-lubak na kalsada sa Maharlika Hwy
Apela ng mga residente ng Quezon sa DPWH
MANILA, Philippines — “Ayusin ang mga lubak-lubak na kalsada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Pagbilao, Quezon”.
Ito ang apela ng mga residente sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kung saan ay ilang taon na silang nagtitiyaga sa malalalim na lubak partilular na sa Brgy. Malicboy bago dumating ng zigzag o mas kilala bilang Bitukang Manok.
Maliban dito, marami rin sira-sirang kalsada o daan sa Brgy Malicboy, Pagbilao na nagdudulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Nabatid na ang nasabing lugar ay sakop ng Distrito 1 ng lalawigan ng Quezon na sakop ni Congressman Mark Enverga. Subalit dahil hindi naman dito ang daanan patungo sa distrito ni Enverga ay hindi ito napapagtuunan ng pansin.
Ang Brgy Malicboy, Maharlika Highway ay pangunahing kalsada na daanan ng mga sasakyan at truck patungong Distrito 4 o mga lugar ng Atimonan, Gumaca, Lopez at hanggang mga lalawigan sa Bicol at Samar.
Umapela naman si Quezon Governor Doktora Helen Tan sa DPWH na agad ayusin ang mga lubak na kalsada dahil lubhang nakakaapekto na ito sa pang-araw araw na buhay ng mga residente ng lalawigan at maging sa turismo dahil sa napakahabang traffic na sinusuong ng mga commuters.
- Latest