220 Pinoy na nakakulong sa UAE, nabigyan ng pardon
MANILA, Philippines — Nasa 220 Filipino na nakakulong sa United Arab Emirates (UAE) ang nabigyan ng pardon kasabay ng pagdiriwang ng 53 anibersayo ng nasabing bansa.
Ang hakbang ay bilang tugon sa kahilingan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Pangulong Sheik Mohamed Bin Zayed Al Nahyan ng UAE.
Nabatid na ang tradisyunal na pagkakaloob ng pagpapatawad ng UAE ay ginaganap tuwing ika-2 ng Disyembre para ipagdiwang ang kanilang Pambansang Araw.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo ang pagpapatawad sa mga Filipino noong Disyembre 26, 2024 bilang tanda ng matibay na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ayon pa sa PCO, pinoproseso na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Embasy sa Abu Dhabi ang mga dokumento at administrative requirements para sa agarang pagpapauwi sa Pilipinas ng mga Pinoy na nabigyan ng pardon na mayroong iba’t ibang uri ng nagawang kasalanan.
- Latest