Pag-iimprenta ng balota para sa midterm polls, nagsimula na
MANILA, Philippines — Nagsimula na kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, isinasagawa ngayon ang ballot printing sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Nabatid na kabuuang 71,076,588 na balota na gagamitin sa halalan ang iimprenta ng NPO. Una na rin namang inilabas ng Comelec ang template ng official ballot para sa printing.
Nakasama sa balota ang 66 na senatorial aspirants habang 155 naman ang party-list groups.Mayroong higit sa 68 milyon ang rehistradong botante sa buong bansa na inaasahang boboto sa eleksiyong nakatakda sa Mayo 12.
- Latest