^

Police Metro

VP Sara sinampahan ng 2nd impeachment

Joy Cantos - Pang-masa
VP Sara sinampahan ng 2nd impeachment
Inabot kahapon kay House Secretary General Reginald Velasco ang second impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives sa Quezon City sa umano’y alegasyon ng korapsyon at hindi maayos umanong paggastos ng confidential funds noong si Duterte pa ang Kalihim ng Department of Education (DepEd).
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa loob lamang ng tatlong araw ay naghain ang ilang sectoral groups, mga da­ting kongresista at human right victims ng ikalawang impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Maka­bayan (Bayan), ibinatay ng 75 complainants ang paghahain ng kanilang impeachment complaint sa “betrayal of public trust.”

Partikular na binanggit sa reklamo ang umano’y maling paggamit ni Duterte sa P612.5 milyong confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) sa kanyang termino bilang kalihim ng departamento.

Tinukoy din nito ang “systematic cover-up” ng fund misuse sa pamamagitan ng umano’y maanomalyang mga dokumento na isinumite sa Commission on Audit (COA) at umano’y “deliberate obstruction” ng congressional investigation at oversight.

Inakusahan naman ni Bayan chairperson Teddy Casiño si Duterte nang pagsira sa tiwalang ibi­nigay sa kanya bilang second top official ng bansa.

 Ang impeachment complaint ay inendorso ng mga miyembro ng Makabayan bloc, sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with