‘Wag balewalain ang banta ng panganib sa shear line - OCD
MANILA, Philippines — “Huwag ipagwalang bahala ang banta ng panganib na dulot ng Shear Line.”
Ito ang panawagan ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator at National Disaster Risk Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno sa lahat ng mamamayan.
Anya, ay importante na maging alerto sa anumang uri ng panganib na dulot ng nagbabagong panahon.
Ang shear line ay bunga ng pagsasalubong ng malamig na hangin mula sa hilagang silangan, kilala bilang Northeast Monsoon o Amihan, at ng Easterlies, ang mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko.
Bunga nito, ayon sa opisyal ay nabubuo ang maraming kaulapan na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan at thunderstorms.
Inihalimbawa ni Nepomuceno ang nangyari sa Visayas at Mindanao noong Enero 2023, kung saan 43 katao ang nasawi.
- Latest