^

Police Metro

4 drug suspects tiklo sa higit P11 milyong droga

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na drug suspects na kinabibilangan ng isang 15-anyos na dalagita ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Mandaluyong City at Taguig City.

Sa Mandaluyong City, kinilala ang naarestong sina John Fitz Jerard Salazar; at Alison Mae Reyes, ng San Rafael St., Brgy. Plainview at nakumpiska sa kanila ang nasa P7.5 milyong halaga ng hinihinalang high grade marijuana o ‘kush’ sa buy-bust operation sa apartment ng mga ito dakong alas-9:30 ng gabi.

Sa Taguig City, ay naaresto ang mga suspek na sina alyas “Alvin”, 27; at ang 15-anyos na dalagita na si alyas “Miracle”.

Sa ulat, alas-12:40 ng madaling araw nang arestuhin ang dalawa sa open parking lot ng isang mall sa Taguig City ng mga otoridad at nasamsam ang nasa 600 gramo ng shabu na may street value na P4,080 000.00.

Nasamsam din kay Alvin ang kalibre 9mm baril na may mga bala at cellphone na ginamit sa pakikipagtransaksyon sa mga otoridad.

Ang mga naarestong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002) at RA 10591(Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with