^

Police Metro

Mayor Guo bigo na maaresto ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Mayor Guo bigo na maaresto ng Senado
Hindi natagpuan ng Senate security team si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanyang bahay nang isilbi ang warrant of arrest laban dito.
Office of the Senate Sergeant-at-Arms

MANILA, Philippines — Nabigo ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado na maaresto si suspended Tarlac, Bamban Mayor Alice nang isilbi ang arrest warrants dito at ­tanging ang accountant lang nito na si Nancy Jimenez Gamo ang natagpuan sa kanyang address at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Senado.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Senado laban kay Guo at pitong iba pa na kinabibilangan nina Dennis Lacson Cunanan, Gamo, Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.

Inilabas ang kautusan  noong Hulyo 11 ng Se­nate Committee on Women, Children, Fa­mily Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni  Senator Risa Hontiveros at inaprubahan ni Senate President Francis Escudero dahil sa paulit-ulit na pang-iisnab sa pagdinig ng komite.

Binigyan ang OSAA ng 24 na oras upang isilbi ang mga warrant of arrest at ikulong ang walong indibidwal sa opisina nito hanggang sa sila ay humarap at tumestigo sa harap ng komite.

Samantala, inutusan ng komite ang OSAA na ihatid ang inisyu nitong Subpoena Ad Testificandum sa mga sumusunod na indibidwal: Jaimielyn S. Cruz, Roderick Paul B. Pujante Juan Miguel Alpas, Katherine Cassandra Li Ong,  Alberto Rodulfo “Ar” De La Serna, Ro­nelyn B. Baterna, Michael Bryce B. Mascarenas, Stephanie B. Mascarenas,  Rodrigo A. Bande, Jing Gu, Xiang Tan, Daniel Salcedo, Jr., Chona A. Alejandre, Duanren Wu, Marion Ryan O. Chua, Julian M. Linsangan III, Josefina Mascarenas, at Edwin C. Ang.

Ang mga nabanggit na indibidwal ay inutusang humarap sa pagdinig sa Senado sa Lunes, Hulyo 29, alas-10 ng umaga.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with