^

Police Metro

‘Pulong’ umalma, star witness ng Kamara ‘di kilala

Joy Cantos - Pang-masa
�Pulong� umalma, star witness ng Kamara �di kilala
“Hindi ko po kilala si Jimmy Guban at sigurado ako na hindi rin niya ako kilala. Wala kaming anumang transaction o ugnayan kaya walang rason na siya ay pagbantaan kung babanggitin man niya ang pangalan ko,” pahayag ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
STAR/ File

Sa pagdawit sa P11 bilyong drug smuggling

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na kilala niya ang dating Customs intelligence officer na si Jimmy Guban na nagsisilbing star witness ng Kamara matapos siyang idawit, maging ang bayaw niyang si Atty. Manases “Mans” Carpio na mister ni Vice President Sara Duterte, at dating Presidential Economic Adviser Michael Yang sa drug smuggling ng nakumpiskang P11 bilyong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifter noong 2018.

“Hindi ko po kilala si Jimmy Guban at sigurado ako na hindi rin niya ako kilala. Wala kaming anumang transaction o ugnayan kaya walang rason na siya ay pagbantaan kung babanggitin man niya ang pangalan ko,” pahayag ni Pulong.

“Nais ko pong ipaalala sa taumbayan na ang salitang “star witness” ay humahalimbawa lamang sa mga taong nagsasalita ng katotohanan lamang at may kredibilidad,” buwelta ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na hindi umano puwedeng star witness si Guban dahil minsan na siyang na-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagsisinungaling.

Si Guban ay lumantad sa kauna-unahang pagdinig ng binuong Quadruple Committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa illegal na droga, extrajudicial killings (EJK) at mga krimen sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na isinagawa sa Bacolor, Pampanga noong Biyernes.

Sa kaniyang pagharap sa nagsanib na apat na komite, idinawit ni Guban si Duterte, Carpio at Yang sa umano’y drug smuggling sa Bureau of Customs na itinatago sa mga kontrabando kabilang sa mga produktong agrikultura at maging ang nakumpiskang P11-bilyong shabu shipment na itinago sa magnetic lifter noong 2018.

Magugunita na habang nililitis ang kaso, binawi ni Guban ang kaniyang naunang pahayag laban kay dating P/Col. Eduardo Acier­to na una nitong itinuro na nagmamay-ari ng nasabing bulto ng shabu shipment. Sa nasabing kaso, si Guban ay nasentensyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo nitong nakalipas na taon.

vuukle comment

PAOLO “PULONG” DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with