^

Police Metro

Mister, itinumba ng ex-convict

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 47-anyos na mister ang hindi na umabot ng buhay sa ospital nang paulanan ng bala ng isang dating bilanggo habang umiinom ng softdrinks sa harapan ng isang tindahan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si alyas ‘Carlito,’ ng Sto. Niño St., Delpan, Tondo dahil sa tama ng bala sa batok at dibdib habang nakatakas naman at tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na si alyas ‘Erwin,’ 29, ex-convict, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), at residente ng Magsaysay St., Tondo.

Sa pagsisiyasat ng Manila Police District (MPD)-HomicideSection, naganap ang pamamaril, alas-7:15 ng gabi sa Quirino St., kanto ng Coral St., Tondo.

Sa pahayag ng testigong si alyas ‘Renz,’ pinsan ng biktima, na bago ang krimen ay nakita pa niyang nakaupo ang suspek sa loob ng isang pedicab at umiinom ng softdrink at nakita na lumapit ang suspek at pinaputukan ang biktima hanggang sa duguan itong bumagsak sa kalsada.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ng testigo ang biktima ngunit nasawi rin.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with