^

Police Metro

Quiboloy inilaglag ng ilang miyembro - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Kaya natunton ng pulisya

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na may mga insider sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC), gaya ng ilang babaeng miyembro na naging susi upang matunton si Pastor Apollo Quiboloy.

Nasukol umano si Pastor Quiboloy sa loob ng “bible school” sa KOJC Compound sa Davao City, noong Linggo.

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes, nili­naw ni Police Regional Office-11 Director, Brig. Gen. Nicolas Torre III na “formality” na lamang ang pagsuko ng religious leader.

Dahil anya, napapalibutan na si Quiboloy ng mga tropa ng gobyerno sa ACQ College of Ministry, sa loob ng compound kaya’t napilitan nang sumuko.

Nabatid na alas-10:00 pa lamang ng umaga nang magpadala ng surrender feelers ang kampo ni Quiboloy makaraang mapagtanto ng mga KOJC members na pinalibutan na sila ng mga pulis.

Binigyan aniya nila ng ultimatum si Quiboloy nang hanggang ala-1:00 para sumuko dahil kung hindi ay gagamit na ng pwersa ang mga pulis pero pinalawig hanggang alas-3:00 ng hapon para sa negosasyon hanggang sa sumuko ang religious leader.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with