^

Police Metro

48 grupo pararangalan sa Quezon City Green Awards

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ngayong taon ng Quezon City government na gawing 48 grupo at organisasyon ang parangalan na may bahagi na maprotektahan ang kapaligiran sa ilalim ng QC Green Awards ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na sa pagdami ng mga awardees ay umaasa siyang mahihimok ang mas maraming residente at stakeholders na sumali sa patimpalak .

Noong nakaraang taon ay nasa 13 lamang ang awardees ng QC Green Awards.

“Magsama-sama tayo tungo sa isang sustainable, ligtas, at luntiang bukas para sa lahat”pahayag ni Mayor Belmonte.

Binuksan ng QC LGU ang QC Green Awards ngayong taon upang kilalanin ang mga QCitizens’ na may outstanding climate action at disaster risk reduction and management programs na may malaking tulong upang higit na mapangalagaan ang kapaligiran sa lungsod.

Ngayong taon, ang QC Green Awards ay bukas para sa mga public at private schools gayundin sa mga health institutions na noong nagdaang taon ay mga barangays, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at businesses ang kasali sa naturang award.

vuukle comment

JOY BELMONTE

QC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with