^

Police Metro

Ospital sa Maynila nasunog, mga pasyente inilikas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na inilipat ang mga pasyente sa ward section matapos na sumiklab ang sunog sa ika-pitong palapag ng Metropolitan Medical Center sa Masangkay St., Sta. Cruz, Maynila, madaling araw ng Sabado.

Nabatid na idineklarang first alarm ang sunog ala-1:56 ng madaling araw ng Agosto 17 at dalawang minuto pa ay itinaas sa ika-2 alarma.

Nabatid na napilitang ilikas ang mga pasyente ng ward dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Matapos ideklarang fire-out alas-2:51 ng madaling araw ng Bureau of Fire Protection (BFP) at maisagawa ang mopping operation ay pinayagan nang makabalik ang mga pasyente sa ward.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog na nakaapekto lamang sa mga tanggapan sa ikapitong palapag.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with