^

Police Metro

Misis na gustong kumalas sa lover, tinodas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

2 buwan na nagsasama...

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na misis ang idineklarang dead on arrival sa ospital matapos ataduhin ng saksak ng kanyang lover na hindi pumayag na wakasan ang kanilang relasyon, naganap nitong Miyerkules ng gabi sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Marian Angeline Manaois, 22.

Naaresto sa isang follow up operation, kahapon ng madaling araw sa Tanza, Cavite ang suspek na si Reyand Pude, 22.

Sa ulat, nangyari ang krimen, alas-7:20 ng gabi sa harap ng isang restaurant sa Loreto St., Brgy. 85, Bagong Barrio, Caloocan City.

Makikita sa kuha ng CCTV na nakatayo ang biktima sa harap ng restaurant at nagse-cellphone nang biglang lapitan ng suspek at paulit-ulit na undayan ng saksak sa katawan.

Nang bumagsak ang biktima ay muling sinaksak at nang masigurong patay na ay tumakas ito at itinapon ang patalim na ginamit.

Nakita ng isang nurse ang biktima na nakahandusay at dinala sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Lumilitaw na selos ang nakikitang motibo ng pamamaslang dahil sa pagnanais ng biktima na makipaghiwalay sa suspek.

Ayon sa ina ng biktima, magdadalawang buwan pa lang umano nang maglive-in ang anak at ang suspek nang magpasya ang biktima nitong Sabado na makikipaghiwalay at umuwi sa kanya. Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with