^

Police Metro

Lalaki pinasok sa net shop, ulo pinasabog!

Cristina Timbang - Pang-masa
Lalaki pinasok sa net shop, ulo pinasabog!
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Rey Blanco Mahinay, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sabog ang ulo ng isang lalaki nang pasukin at barilin nang malapitan ng isang ‘di kilalang gunman habang abala ang una sa loob ng isang computer shop sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Rey Blanco Mahinay, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril na kinilala sa alyas na “Tolits”.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:20 ng madaling araw habang nasa loob ng computer shop ang biktima nang biglang dumating ang suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Lumalabas na nagdire-diretso ang suspek sa kinauupuan ng biktima na abala sa pagko-computer saka malapitang binaril sa ulo.

Bumulagta ang biktima at matapos ang brutal na pagpatay, mabilis na naglakad palabas ng net shop ang suspek at tuluyang tumakas.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen kasabay ng pagtugis sa suspek.

vuukle comment

REY BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with