^

Police Metro

Welder tepok sa loob ng septic tank

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na lala­king welder ang nasawi nang ma-suffocate sa loob ng ginagawang septic tank sa Brgy. Poblacion, Dumanjug, timog-kanluran ng Cebu, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Mark Eniego, 28, residente ng Brgy. ­Kanguha sa Dumanjug.

Ibinunyag ng pulisya sa ulat na ang biktima ay nagtatrabaho kasama ang isa pang manggagawa na si Jerome Merenillo, alas-9:00 ng umaga noong Martes.

Habang sila ay nagwe-welding sa loob ng septic tank na matatagpuan malapit sa Dumanjug Public Market ay na-suffocate umano ang mga ito dahil sa hindi kilalang kemikal sa loob ng tangke.

Nagdulot ng pagkawala ng malay ang dala­wa habang nasa loob ng septic tank kaya’t sinubukang iligtas ang mga ito.

Gayunpaman, halos mawalan din sila ng malay dahil sa pagkakaroon ng masangsang na gas at kawalan ng bentilasyon, na nag-udyok sa kanila na maglagay ng blower para sa bentilasyon.

Sa pagdating ng mga emergency personnel, ang mga walang malay na mga biktima ay  isinugod sa Barili District Hospital,subalit idineklarang dead on arrival si Eniego.

Sa diagnosis ng doktor ay nagpakita na namatay si Eniego sa acute respiratory distress secondary to toxic inhalation injury.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with