^

Police Metro

Pinas, nagpadala na ng note verbale sa China

Malou Escudero - Pang-masa
Pinas, nagpadala na ng note verbale sa China
Also called “The Monster,” the 12,000-ton China Coast Guard (CCG) vessel with bow number 5901 “passed close by the Philippines’ outpost aboard the BRP Sierra Madre at 2nd Thomas (Ayungin) Shoal,” wrote maritime defense and security expert Ray Powell on his X account.
STAR/File

Kaugnay sa panibagong insidente sa Ayungin shoal

MANILA, Philippines — Nagpadala na ng note verbale ang Pilipinas sa China kaugnay sa panibagong insidente sa Ayungin shoal na ikinasugat ng ilang mga tropang Pilipino.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa international media confe­rence kung saan tinalakay ang naturang isyu sa West Philippine Sea.

Una nang naghain ng panibagong diplomatic protest ang DFA noong nakalipas na linggo laban sa mga aksiyon ng China sa kasagsagan ng resupply mission.

Ikinokonsidera rin ng PH na ipatawag si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay sa insidente.

Sa pagdinig din sa Senado nitong Martes, sinabi ni Sec. Manalo na sisikapin nilang ibalik ang dayalogo sa pagitan ng PH at China sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa WPS at nanindigan na mangingibabaw pa rin ang dayalogo at diplomasiya kahit pa sa pagharap sa mga seryosong insidente.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with